I AM A TREE HUGGER
 
Bilang pakiki-isa sa kampanyang #PunoNgPagmamahal ng DENR Forest Management Bureau, binisita ng mga kawani ng Protected Area Management and Biodiversity Section (PAMBCS) sa ilalim ng Conservation and Development Division (CDD) ng DENR National Capital Region ang isa sa apat (4) na Heritage Trees ng rehiyon sa Amparo Nature Park sa Caloocan City at niyakap ito.
 
Makikita sa larawan ang Tangisang Bayawak (𝘍π˜ͺ𝘀𝘢𝘴 𝘷𝘒𝘳π˜ͺ𝘦𝘨𝘒𝘡𝘒 Blume), isang uri ng puno na katutubo o likas sa Pilipinas at ilan pang bansa sa Timog-Silangang Asya. Ganap na naisama ang punong ito sa Heritage Trees program ng DENR National Capital Region noong 2018, kasabay ang puno ng Antipolo (𝘈𝘳𝘡𝘰𝘀𝘒𝘳𝘱𝘢𝘴 𝘣𝘭𝘒𝘯𝘀𝘰π˜ͺ), Dita (𝘈𝘭𝘴𝘡𝘰𝘯π˜ͺ𝘒 𝘴𝘀𝘩𝘰𝘭𝘒𝘳π˜ͺ𝘴), at Narra (π˜—π˜΅π˜¦π˜³π˜°π˜€π˜’π˜³π˜±π˜Άπ˜΄ π˜ͺ𝘯π˜₯π˜ͺ𝘀𝘢𝘴) na matatagpuan din sa loob ng kilalang pasyalan.
Ang Heritage Trees ay isang programa ng DENR National Capital Region na naglalayong protektahan ang mga matatanda at malalaking puno sa Metro Manila na nagkaroon ng malaking bahagi sa kasaysayan at kultura ng isang lugar.
Balikan ang istorya ng pagkakahirang sa mga nasabing puno bilang Heritage Trees sa link na ito: