
Tinipon ng DENR National Capital Region ang lahat ng mga samahan at tanggapan na naging katuwang nito sa pagpapatupad ng mga plano at programa para sa kapaligiran at likasyaman ng Metro Manila noong Huwebes, ika-16 ng Pebrero, 2023, sa Park Inn Hotel, North EDSA Quezon City.
Pinangunahan ni Regional Executive Director Jacqueline A. Caancan ang pagtitipon kasama ang kanyang Assistant Regional Directors na sina Manuel T. Escasura (Management Services) at Engr. Ignacio R. Almira, Jr. (Technical Services) at EMB-NCR Regional Director Atty. Michael Drake P. Matias.
Kabilang sa mga panauhing pandangal si Senador Cynthia A. Villar, tagapangulo ng Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change, DENR Undersecretary for Field Operations - Luzon, Visayas and Environment, Atty. Juan Miguel T. Cuna; at EMB Director at concurrent OIC Assistant Secretary for Luzon and Visayas, Engr. Gilbert C. Gonzales.
Inilahad ni Director Caancan ang mga plano at programa ng tanggapan para sa 2023 at hiningi ang patuloy na pagsuporta ng mga dumalo para matiyak ang kaganapan nito. Naging okasyon din ito upang pormal na kilalanin ang kontribusyon ng mga dumalo sa pangangalaga ng kapaligiran at likasyaman ng rehiyon. Tiniyak naman ni Director Caancan mananatiling bukas sa partisipasyon ng lahat sa mga plano, programa at gawain ng tanggapan. “Layon naming pagtibayin ang ating samahan at suporta sa isa’t-isa upang maging ganap na climate resilient at luntiang mga lunsod at pamayanan dito sa Metro Manila”, dagdag pa ni Director Caancan.
- Details