Ang Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman para sa Pambansang Punong Rehiyon (DENR National Capital Region) ay kaisa ng buong bansa sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikang Pambansa 2023 na may temang, "Kultura ng Pagkakaisa: Pagsisiyasat at Pagkakaisa sa pamamagitan ng Panitikan."
Ang Abril ay idineklarang Buwan ng Panitikang Pambansa sa ilalim ng Proklamasyon Bilang 968 na nilagdaan noong 10 Pebrero 2015 upang isulong ang pagbibigay halaga sa panitikan na nakalimbag sa iba't ibang wika sa Pilipinas na itinuturing na pamanang pangkultura sa mga susunod na henerasyon.
- Details