Ilang guro at mag-aaral ng Paso de Blas Elementary School and bumisita sa Las Piñas- Pañaque Wetland Park (LPPWP) noong ika-2 ng Pebrero, 2023, bilang pakiki-isa sa pagdiriwang ang World Wetlands Day.
Kasama ang ilang kinatawan ng Parents-Teachers Association (PTA) ng nasabing paaralan, pinangunahan ni Brigada Eskwela coordinator Christopher M. Saremo at teacher Jeffrey S. Lozano ang pagbisita sa LPPWP. Sinalubong naman sila ng mga kinatawan ng LPPWP sa pangunguna ni Diego Montesclaros pati na ni Christopher C. Villarin, hepe ng Protected Area Management and Biodiversity Section (PAMBCS) at Regional Strategic Communication and Initiatives Group (RSCIG) ng DENR National Capital Region.
Bago libutin ang parke, nagkaroon muna ng maikling pagpapakilala ng LPPWP sa mga bisita. Ipinaalam sa kanila ang kasaysayan ng parke at kahalagahan nito sa ekolohiya ng Metro Manila, kasama na ang ibat-ibang ecosystem services na ating nakukuha mula dito at iba pang wetland areas. Ipinaliwanag din ang kahalagahan ng pagdiriwang ng World Wetlands Day at ang tema nitong “Restore Wetlands” ngayong taon. Matapos nito ay nilibot na ang mga guro, mag-aaral, at magulang sa buong LPPWP kasama ang mga Park Rangers at Bakawan Warriors. Mula sa WAVE Activity Center, dinala sila sa Bambusetum, Mangrove Nursery, Long Island beach area, Freedom Island Nature Trail at Board Walk. Sa huli, nagkaroon pag-alam sa naging impresyon ng mga guro, mag-aaral at magulang tungkol sa kanilang pagbisita at kung ano ang magagawa nila upang mapangalagaan ang kapaligiran at likasyaman ng Metro Manila.
- Details