Nagbigay ng Water Quality Monitoring kit ang Environmental Management Bureau-National Capital Region (EMB-NCR) sa apat (4) na Metropolitan Environmental Offices ng DENR National Capital Region upang makatulong sa kanilang ginagawang pagsubaybay at pagbabantay sa kalidad ng tubig ng mga estero at ilog ng Metro Manila.
Pormal na ibinigay ni EMB-NCR OIC Finance and Administrative Division chief Gemma G. CariƱo kay MEO-North Deputy Director Olga R. Arzadon, MEO-East Director, Engr. Virgilio L. Licuanan, MEO-South Director Bobby Tagapan, at MEO-West Director Rodelina M. de Villa ang kani-kanilang monitoring kits noong Lunes, ika-6 ng Marso, 2023 kasabay ng lingguhang Flag Raising at Pagtitipon ng mga kawani ng DENR National Capital Region. Tumayong saksi naman si Regional Executive Director Jacqueline A. Caancan at kanyang mga Assistant Regional Directors na sina Manuel T. Escasura (Management Services) at Engr. Ignacio R. Almira, Jr. (Technical Services).
- Details