RETICULATED PYTHON TINURNOVER SA DENR MEO NORTH MULA SA CALOOCAN CITY
 
Isang Reticulated Python (Malayopython Reticulatas) na may habang 9 feet and 11 inches at may bigat na 6.10-kilogram ang tinurnover ng isang residente ng Parkland Subdivision, Brgy. 177, Caloocan City sa DENR Metropolitan Environmental Office (MEO) – North noong ika-8 ng Mayo, 2023.
Ang reticulated python ay isa sa pinakamalaking uri ng mga ahas sa buong mundo na maaaring umabot ang haba hanggang 10 metro at tumimbang ng hanggang higit sa 140 kilos. Ito ay may malapad na katawan na may kulay kahel-kayumanggi na may malalaking guhit-guhit sa buong katawan.
Anumang uri ng buhay-ilang na inaalagaan, kinokolekta, binabyahe, at maging sinasaktan ay mahigpit na ipinagbabawal batay sa Republic Act No. 9147 o "Wildlife Resources Conservation and Protection Act", ito ay patuloy na ipinapaalam at panawagan ng DENR National Capital Region para sa publiko.