Isang reticulated python (Malayophyton Reticulatus) ang hinuli ng mga tauhan ng DENR Metropolitan Environmental Office-East (MEO-East) sa isang creek na malapit sa tanggapan ng DENR National Capital Region sa East Avenue, Diliman, Quezon City.
Nakita ang ahas ng isa sa mga Estero Ranger na naglilinis sa creek. Dahil sa matao ang lugar at lubhang mapanganib hindi lamang sa tao kundi sa hayop mismo, minabuting hulihin ng MEO-East ang sawa at dalhin ito sa Wildlife Rescue Center para sa pansamantalang pangangalaga. Ang reticulated python ay isang uri ng ahas na likas sa mga bansang matatagpuan sa Timog at Timog Silangang Asya. Sa kasalukuyan, ito ay itinuturing na species of “least concern” dahil malaki pa ang populasyon nito. Gayunpaman, nanganganib pa rin na maubos ito dahil sa panghuhuli, pagpatay at iligal na pag-aalaga, pagbibenta at pagbili.
- Details