PAGPAPATULOY NG PAGLILINIS NG TIPAS RIVER BILANG BAHAGI NG REHABILITASYON NG MANILA BAY
Umabot sa limangdaan at labing anim (516) na sako ang nakolektang basura at water hyacinth ng mga tauhan ng DENR Metropolitan Environmental Office–South (MEO-South), Estero Rangers, Lake and River Management Office (LRMO), Task Force Flood Control, at City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Taguig sa ginawa nilang paglilinis ng Tipas River noong Pebrero 22, 2023.
Nilahukan ng walumput siyam (89) na katao ang paglilinis at pag-aalis ng water hyacinths sa ilog. Ang pagdami ng water hyacinth sa nasabing ilog ay indikasyon ng mababang kalidad ng tubig nito. Maliban sa pagpigil sa pagdaloy ng tubig, maari ding pamugaran ng mga insekto at hayop ang kulumpon ng water hyacinths at pagmulan ng sakit kung kaya pinagsusumikapan ng MEO-South at iba pang partner organizations nito na maalis ito.
Ang ginawang paglilinis ng Tipas River at iba pang daluyan ng tubig sa Metro Manila ay bahagi ng Manila Bay Rehabilitation Program.