PAGDIRIWANG NG NATIONAL WOMENS MONTH 2023 NG DENR NATIONAL CAPITAL REGION

Pinangunahan ni Regional Executive Director Jacqueline A. Caancan ang pagpapasimula ng pagdiriwang ng National Women’s Month noong Lunes, ika-6 ng Marso, 2023 kasabay ng lingguhang Flag Raising at Pagtitipon ng mga kawani ng DENR National Capital Region.

Kasamang dumalo sa pagtitipon ang mga opisyal at kawani ng Environmental Management Bureau-National Capital Region (EMB-NCR), ang apat (4) na Metropolitan Environmental Office (MEO), at Pasig River Coordinating and Management Office (PCRMO). Kaugnay ng pagdiriwang, tinalakay ni Assistant Regional Director for Management Services, Manuel T. Escasura ang mga inihandang activities para sa paggunita ng National Women’s Month habang nagbigay naman ng kanyang pagbati sa mga kababaihan si Assistant Regional Director for Technical Services, Engr. Ignacio R. Almira, Jr. Nagkaroon din maikling palaro tungkol sa Gender and Development na nilahukan ng mga dumalo.