Personal na bumisita ang mga opisyal at kawani ng Philippine Air Force Headquarters Service Support Group (PAF-HSSG) sa DENR National Capital Region noong Lunes, ika-12 ng Mayo, 2023. Pinangunahan ni Major Timhar H. Wahid, ang pagbisita at paggawad ng plake na pagkilala sa tanggapan bilang isa sa mga aktibong “External Stakeholder Awardee” ng PAF-HSSG. Kasama ni Major Wahid sina Msg. Annabelle A. Castaño at Sgt. Shiela May G. Laudenio. Ang plake ay malugod na tinanggap ni DENR-NCR Regional Executive Director Jacqueline A. Caancan sa kanyang opisina. Lubos na nagpapasalamat si RED Caancan sa aktibong partisipasyon ng mga ahensiya ng pamahalaan tulad ng PAF-HSSG para sa mga prayoridad na programa, gaya ng National Greening Program, ng DENR hinggil sa pangangalaga, proteksyon, at pamamahala ng kapaligiran at mga likas na yaman nito.
- Details