
Matagumpay na idinaos ng DENR National Capital Region ang kauna-unahang Wetland Youth Environmental Camp sa Las Piñas-Parañaque Wetland Park (LPPWP) noong ika-16 at 17 ng Pebrero, 2023.
Ang dalawang araw na learning activity ay dinaluhan ng mga kabataang istudyante mula sa iba’t-ibang unibersidad at youth organizations sa Metro Manila.
Maliban sa mga lectures at palaro patungkol sa kahalagahan ng wetlands, naging tampok din sa ginawang youth camp ang camping sa Long Island at night trek sa Freedom Island upang ma-obserbahan ng mga dumalo ang gawi ng mga nocturnal animals sa LPPWP. Nagkaroon din ng birdwatching at coastal cleanup kinaumagahan.
Pinangunahan ng LPPWP Protected Area Management Office (PAMO) at Regional Strategic Communication and Initiatives Group (RSCIG) ang youth camp kasama ang mga kinatawan mula sa apat (4) na Metropolitan Environmental Offices (MEOs) ng tanggapan.
Dumalo din sa youth camp si Assistant Regional Director for Technical Services, Engr. Ignacio R. Almira, Jr. na nagbigay ng kanyang mensahe sa mga dumalo. Ayon kay Assistant Director Almira, mahalagang maaga pa lamang ay natututunan na ng mga kabataan ang kanilang tungkulin na pangalagaan ang ating kapaligiran at likasyaman gaya ng LPPWP.
Ang LPPPWP ay isa sa walong (8) Wetlands of International Importance sa ilalim ng Ramsar Convention. Kasama rin ang LPPWP sa dalawang (2) protected areas ng Metro Manila sa ilalim naman ng Batas Pambansa Blg. 11038 o ""Expanded National Integrated Protected Areas System Act of 2018."
Ang Wetland Youth Camp ay inorganisa kasabay ng pagdiriwang ng World Wetlands Day 2023 na may temang "It's time for Wetland Restoration."
- Details