KAUNA UNAHANG PANUNUMPA SA KATUNGKULAN PARA SA TAONG 2024
 
 
Noong ika-24 ng Enero, pinangasiwaan ni DENR National Capital Region Regional Executive Director Jacqueline A. Caancan ang kauna-unahang panunumpa sa katungkulan ng dalawampung (20) bagong hirang at sampung (10) mga bagong promote na mga kawani ng tanggapan.
 
Tatlumpu (30) sa kabuuan ang mga nanumpa na itatalaga sa iba’t ibang dibisyon at opisina ng DENR-NCR mula sa Management Services at Technical Services.
 
Binigyang-diin ni Caancan sa kanyang mensahe ang kahalagahan ng public service excellence na dapat ibigay ng mga kawani ng gobyerno, partikular na ang mga nasa DENR-NCR.
 
“We should not settle to provide public service lang, it has to be public service excellence, kailangan may excellence dahil di dapat tayo natatapos sa pagbibigay lamang ng serbisyo, dapat prayoridad natin na maibigay ito sa kanila ng may kahusayan,” ani nya.
 
“Also, excellence doesn’t mean on the skills alone but it involves integrity, integrity that helps to address corruption, among other pressing problems. We have to make change, dapat natin burahin at ibahin ang panget na imahe ng gobyerno sa mata ng publiko, ang dati pa nilang tingin sa atin, dahil tayo, dito sa DENR-NCR, ay may ginagawa at gumagawa nang maayos at tama. Kaya naman bilang kasapi ng ating organisasyon umaasa ako na kayo ay magiging aktibo na makibahagi sa pagbabagong ito,” dagdag pa ni Caancan.
 
Ang seremonya ay dinaluhan din nina Assistant Regional Director (ARD) for Management Services Erlinda O. Daquigan, na Chairperson din ng Human Resource Merit Promotion and Selection Board (HRMPSB) ng tanggapan, at ARD for Technical Services Engr. Henry P. Pacis na kapwa rin nagbigay ng kanilang mga mensahe sa mga nanumpa sa katungkulan. Dumalo rin sa aktibidad ang mga miyembro ng HRMSPB, mga Division Chief, at ilan pang mga kawani ng tanggapan.