
Isang juvenile Philippine Scops Owl (๐๐ต๐ถ๐ด ๐ฎ๐ฆ๐จ๐ข๐ญ๐ฐ๐ต๐ช๐ด) ang na-retrieve ng mga Environmental Protection Officers (EPOs) ng DENR Metropolitan Environmental OfficeโSouth (MEO-South) mula sa isang concerned citizen sa Barangay Napindan, Taguig City.
Ayon sa ulat ng mga rumispondeng EPOs ng MEO-South, nakita umano ng nasabing residente ang kuwago sa gilid ng kalsada. At dahil nakita niyang delikado ito para sa ibon, kaagad siyang nagpadala ng mensahe sa Facebook page ng DENR National Capital Region upang humingi ng tulong.
Matapos makipag-ugnayan sa concerned citizen, pinuntahan ng mga EPOs ang kuwago at agaran itong dinala sa Wildlife Rescue Center ng DENR Biodiversity Management Bureau sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center sa Quezon City para sa pansamantalang pangangalaga at pag-iingat.
Pinapurihan naman ng MEO-South ang nagmalasakit na nakakita sa kuwago sa pagri-report nito sa kinauukulan. Ito umano ang dapat na gawin ng sinumang makakakita ng buhay-ilang o wild animal sa kanilang lugar sapagkat bawal itong kunin, saktan, patayin o alagaan alinsunod sa Republic Act No. 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act. Mas mabuting ipagbigay-alam agad ito sa opisina ng DENR o โdi kaya ay sa Veterinary Office ng lokal na pamahalaan upang ligtas na madala ito sa rescue center.
- Details