ISANG PHILIPPINE SCOPS OWL ISINUKO SA DENR MEO NORTH

Isang Philippine Scops owl (Otus megalotis) ang isinuko sa DENR Metropolitan Environmental Office–North (MEO North) ng isang concerned citizen mula sa Potrero, Malabon City noong Huwebes, ika-2 ng Pebrero, 2023.

Agad namang dinala ng mga tauhan ng MEO North ang ibon sa Wildlife Rescue Center sa Quezon City para sa pansamatalang kustodiya at pangangalaga. Ang Philippine Scops owl ay isang uri ng kuwago na dito lang sa Pilipinas matatagpuan. Karaniwan itong naninirahan sa kapatagan at aktibo sa gabi.

Pinagbabawal sa ilalim ng Batas Pambansa Blg. 9147 o "Wildlife Resources Conservation and Protection Act" ang panghuhuli, pananakit, pagbi-benta at pagbili, at pag-aalaga ng buhay-ilang gaya ng kuwago ng walang kaukulang permiso mula sa DENR. Ang sinumang mapapatunayang lalabag dito ay pagmumultahin o ikukulong depende sa conservation status ng buhay-ilang na sangkot.