ISANG MEXICAN RED KNEE TARANTULA ISINUKO SA DENR MEO NORTH
 
Isang Mexican Red Knee Tarantula (๐˜‰๐˜ณ๐˜ข๐˜ค๐˜ฉ๐˜บ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ด๐˜ฎ๐˜ช๐˜ต๐˜ฉ๐˜ช) ang kusang-loob na isinuko ng nagmamay-ari nito sa DENR Metropolitan Environmental Officeโ€“North (MEO-North) noong ika-8 ng Marso, 2023 matapos niyang mapag-alaman na maari siyang makulong at mapatawan ng multa kung hindi ito rehistrado sa DENR. Inamin din ng may-ari na wala siyang requirements na maipapakita para makakuha ng Certificate of Wildlife Registration (CWR) sa DENR, kung kaya nagpasya siyang isuko ang gagamba.
Ayon kasi sa Republic Act No. 9147 o "Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001", kailangang may CWR mula sa DENR ang isang wild animal upang ligal itong maalagaan. Kaugnay nito, kinakailangang patunayan ng may-ari na galing sa lehitimong breeders ang alagang wild animal at hindi ito hinuli mula sa kagubatan o natural habitat nito.
Ang pag-aalaga ng wild at exotic animals gaya ng tarantula ay mahigpit na pinamamahalaan ng DENR at ibang kaugnay na ahensya upang maiwasan ang iligal na bentahan at pagkaubos nito. Dagdag dito, delikado rin sa publiko ang pagmamay-ari ng wild animals sapagkat maraming kaso na ng zoonotic diseases ( mga sakit ng hayop na naipapasa sa tao at iba pang hayop) ang naitala dahil sa kakulangan sa training at facilities ng nag-aalaga.
Agad namang dinala ng MEO-North ang tarantula sa Wildlife Rescue Center ng Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center sa Quezon City para sa kustodiya at pangangalaga.