IKATLONG LINGGO NG GAWAD TAGA ILOG OCULAR INSPECTION AT FIELD VALIDATION
 
Sa ikatlong linggo ng pagpapatuloy ng ocular inspection at field validation ng mga miyembro ng Board of Judges ng ika-4 na Gawad Taga-Ilog: Search for the Most Improved Estero in Metro Manila na mas kilala bilang ‘GTI 4.0’, kanilang binisita ang mga nominadong daluyang tubig ng CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) area.
 
Ang GTI ay may layuning parangalan ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila para sa kanilang mga gawain na nakatutulong sa pagsasaayos, pagpapaganda, at paglilinis ng mga daluyang tubig sa kanilang mga nasasakupan at sa Manila Bay, sa kabuuan.
 
Ang patimpalak ay kaugnay sa Manila Bay Rehabilitation Program na kilala rin bilang