HULING LINGGO NG PAGSASAGAWA NG GAWAD TAGA ILOG 4.0 OCULAR INSPECTION AT FIELD VALIDATION
 
Tinapos na ng mga miyembro ng Board of Judges ng ika-4 na Gawad Taga-Ilog: Search for the Most Improved Estero in Metro Manila o mas kilala sa tawag na ‘GTI 4.0’ ang pagsasagawa ng ocular inspection at field validation para sa mga nominadong mga daluyang tubig sa mga siyudad ng Marikina, Pasig, at Quezon noong ika-24 hanggang ika-25 ng Enero.
 
Malugod na tinanggap ng mga kawani ng Barangay at local government unit ang mga hurado at mga kinatawan mula sa DENR National Capital Region sa kani-kanilang mga ipinagmamalaki at pambatong mga daluyang tubig—estero o ilog—at sinagot ang mga katanungan kaugnay sa mga itinakdang criteria for judging.
 
Pagkatapos ng tatlong (3) linggong ocular inspection at field validation ng dalawampu’t walong (28) mga daluyang tubig sa kabuuan, nakatakda nang isagawa ang deliberasyon ng mga hurado para malaman ang mga mananalo para sa GTI 4.0.
 
Ang GTI 4.0 ay may dalawang (2) kategorya—Category A ay ang nakagawiang Search for the Most Improved Estero, at ang Category B naman ay ang Battle of the Winners