DEPARTMENT OF TOURISM NATIONAL CAPITAL REGION BINISITA ANG LAS PINAS PARANAQUE WETLAND PARK

Binisita ni Department of Tourism-National Capital Region Director Sharlene Zabala-Batin ang Las Piñas–Parañaque Wetland Park (LPPWP) upang tignan ang potensyal nito bilang isang eco-tourism area at matulungan ang promosyon nito sa mga lokal at banyagang turista.

Sinalubong at inilibot naman siya ni DENR National Capital Region Regional Executive Director at LPPWP Protected Area Management Board (PAMB) Chair Jacqueline A. Caancan at kanyang mga Assistant Regional Directors na sina Manuel T. Escasura (Management Services) at Engr. Ignacio R. Almira, Jr. (Technical Services) sa pamosong bird sanctuary kasama ang mga kinatawan ng Parañaque Tourism Office, Department of Labor and Employment (DOLE), at Wild Bird Club of the Philippines (WBCP). Kaugnay nito, ipinahayag ni RED Caancan ang muling pagbubuo ng Regional Ecotourism Council (REC) upang paigtingin ang pagtutulungan ng dalawang ahensya para sa pagpapabuti ng ecotourism sa rehiyon.