DENR NCR WORK IMMERSION PROGRAM CLOSING CEREMONY PARA SA MGA ESTUDYANTE NG SCHOOL OF ST. ANTHONY
 
 
Nagsagawa ng Closing Ceremony ang DENR National Capital Region para sa pagtatapos ng Work Immersion Program ng mga Grade 12 students mula sa Senior High Department ng School of St. Anthony (SSA) noong ika-19 ng Enero sa National Ecology Center, Quezon City.
 
Pinangunahan ito ni Assistant Regional Director for Management Services Erlinda O. Daquigan at sa kanyang mensahe para sa mga mag-aaral, siya ay umaasa na kumuha ng kursong kanilang ninanais pagdating sa kolehiyo na may kinalaman sa pagprotekta, pangangalaga, at pagpapayaman ng kapaligiran at likas na yaman gaya ng Forestry, Biology, Environmental Science, at iba pa.
 
Kasama rin sa aktibidad si SSA Work Immersion Site Supervisor Emmanuel Bayao na pinasalamatan naman ang DENR National Capital Region sa magandang oportunidad na ibinigay para sa mga mag-aaral, kasama na, sa kabuuan, ang mga gawain pagdating sa serbisyong publiko.
 
Naganap ang immersion ng halos dalawampung (20) estudyante mula sa iba’t ibang strand: Humanities and Social Science; Science, Technology, Engineering, and Mathematics; Information and Communication Technology, at Accountancy, and Business Management, sa loob ng dalawang (2) linggo.