
Nagsagawa ng paglilinis ang DENR Metropolitan Environmental Office-West (MEO-West) sa Estero de Santa Clara, Barangay Tejeros, Makati City noong ika-21 ng Pebrero, 2023.
Kasama ng MEO-West ang mga Estero Rangers na nakatalaga sa lugar at ilang kawani ng Department of Environmental Service (DES) ng pamahalaang lungsod ng Makati. Nagresulta ang pagtutulungan sa pagkaka-alis ng dalawang daan at walumput siyam (289) na sako ng basura mula sa daluyan ng tubig.
Ang Estero de Santa Clara ay isang open drainage canal na bumagtas sa ilang barangay ng lungsod ng Makati at Manila. Bahagi ito ng Pasig-Marikina-San Juan (PAMARISAN) River System na isa sa tatlong (3) pangunahing river system ng Metro Manila. Kung hindi maaagapan, ang mga basurang direktang itinapon o inanod sa kanal ay mapupunta sa Manila Bay sa pamamagitan ng Pasig River.
Palagiang naglilinis ang MEO-West—katuwang ang mga Estero Rangers at tauhan ng barangay at lokal na pamahalaan—sa mga estero at ilog ng siyudad ng Makati, Mandaluyong, Maynila, San Juan, at Pasay—alinsunod sa ginagawang paglilinis at rehabilitasyon ng Manila Bay. Layon ng bayanihan na muling maibalik ang dating ganda at linis ng makasaysayang look ng Maynila.
- Details