Dumalaw ang DENR Metropolitan Environmental Office-West (MEO-West) ang Doña Teodora Alonzo High School sa Sta. Cruz, Manila noong Huwebes, ika-16 ng Pebrero, 2023 upang magbahagi ng kaalaman sa tamang pamamahala ng basura sa mga guro at mag-aaral nito.
Pinangunahan ni MEO-West OIC Director, Forester Rodelina M. De Villa, ang Dalaw Turo patungkol sa Batas Pambansa Blg. 9003 o “Ecological Solid Waste Management Act of 2001”. Dinaluhan naman ito ng limamput anim (56) na Grade 9 students—dalawamput apat (24) na kalalakihan at tatlumput dalawang (32) kababaihan—ang pagtitipon, kasama ng kanilang Punong Guro na si Bb. Ma. Melanie T. Pascua. Maliban sa pamamahala ng basura, tinalakay din ang programa ng DENR National Capital Region sa urban greening at pangangalaga ng kapaligiran at likasyaman ng Metro Manila.
- Details