DENR NCR MEO SOUTH PINANGUNAHAN ANG PAGLILINIS NG ALABANG BAYANAN RIVER
 
Pinangunahan ng DENR Metropolitan Environmental Office-South (MEO-South) ang paglilinis ng Alabang-Bayanan River sa may hangganan ng mga barangay ng Alabang at Bayanan noong Pebrero 23, 2023.
Nakasama ng MEO-South ang mga tauhan ng Lake Management Office (LMO) at Environmental Sanitation Center (ESC) ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), Estero Rangers, at ilang residente ng mga nasabing barangay.
Ang ginagawang paglilinis ng Alabang-Bayanan River at iba pang daluyan ng tubig sa Metro Manila ay bahagi ng Manila Bay Rehabilitation Program.