
Lumahok ang DENR Metropolitan Environmental Office-South (MEO-South) sa ginawang paglilinis ng isang bahagi ng Estero de Tripa de Gallina sa Barangay Baclaran, Parañaque City noong Pebrero 23, 2023.
Pinangunhan ng SM Prime Holdings, Inc. ang nasabing gawain bilang pagtupad sa kanilang tungkulin sa ilalim ng Adopt-an-Estero/Water Body Program ng DENR. Lumahok din sa paglilinis ang mga tauhan ng Barangay Baclaran at City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Parañaque.
Ang Estero Tripa de Gallina ay ang pinakamahabang kanal sa Metro Manila at dumudugtong ito sa parehong Pasig-Marikina-San Juan (PAMARISAN) at Muntilupa-Parañaque-Las Piñas-Zapote (MUNTIPARLASPIZAP) River System. Mahalagang mapanatili itong malinis upang hindi na umabot ang mga basura at dumi sa Manila Bay.
Ang ginawang paglilinis ng Estero Tripa de Gallina ay bahagi ng Manila Bay Rehabilitation Program.
- Details