
Mahigit isang daang (100) sako ng water hyacinths at labinlimang (15) sako ng mga halo-halong basura ang nakolekta ng DENR Metropolitan Environmental Office–South (MEO South) at iba pang mga organisasyon kasama nito sa paglilinis ng Balihatar Creek sa Barangay Manuyo Uno, Las Piñas City noong Mierkules, ika-1 ng Marso, 2023.
Nakasama ng MEO-South sa gawain ang mga kawani ng Barangay Manuyo Uno, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Las Piñas, at volunteers mula sa KAAGAPAY, isang Non-Government Organization (NGO).
Ginawa ang paglilinis upang matanggal ang mga nakabarang basura at water hyacinths sa sapa sapagkat maaari itong magdulot ng pagbaha sa lugar at pagmulan ng sakit. Patuloy namang pinaalalahanan ng MEO-South ang publiko na ugaliing mag-segregate ng kanilang basura at ilabas lamang ito ng bahay kapag dumating na ang taga-kolekta ng basura.
Ang paglilinis ng mga ilog at estero ng MEO-South ay bahagi ng Manila Bay Rehabilitation Program na naglalayong mapaganda ang kalidad ng tubig sa Manila Bay at muling ibalik ang dating ganda at linis nito.
- Details