DENR NCR MEO NORTH NAGSAGAWA NG PAGLILINIS NG DALAMPASIGAN NG NAVOTAS CITY
 
Umabot sa pitong daan at limampung (750) sako ng halo-halong basura ang nakuha ng mga tauhan ng DENR Metropolitan Environmental Office-North (MEO-North), Estero Rangers, at ilang residente na nag-volunteer sa ginawa nitong paglilinis ng dalampasigan ng Navotas City. Karamihan sa mga basurang nakuha ay plastic na pakete ng pagkain at iba pang produkto na agad namang hinakot ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Navotas City.
Ang patuloy na paglilinis na ginagawa ng MEO North at mga partner organizations nito ay bahagi ng Manila Bay Rehabilitation Program na naglalayong mapabuti ang kalidad ng tubig sa Manila Bay at maibalik sa dating ganda nito.