DENR NCR MEO EAST PINANGUNAHAN ANG PAGLILINIS NG BALANTI CREEK SA MARIKINA CITY

Pinangunahan ng DENR Metropolitan Environmental Office-East (MEO-East) ang paglilinis ng Balanti Creek sa hangganan ng Barangay Concepcion Dos, Marikina City noong Pebrero 23, 2023.

Nilahukan ito ng mga kawani ng MEO–East, Estero Rangers, at tauhan ng barangay. Umabot sa limang daan at limamput limang (555) sako ng basura. Ang Balanti Creek ay bahagi ng Pasig-Marikina-San Juan (PAMARISAN) River System. Ang mga basurang itinapon dito ay maaring magdulot ng pagbaha at sakit sa mga residente o di kaya ay anurin palabas ng Manila Bay kung hindi maaagapan. Ang paglilinis ng mga ilog at estero sa PAMARISAN River System ay ginagawa ng MEO-East sa ilalim ng Manila Bay Rehabilitation Program.