DENR NCR MEO EAST AT WEST NAGTULONG PARA SA PAGLILINIS NG ERMITANO CREEK
 
Nagtulungan ang mga tauhan ng Metropolitan Environmental Office-West (MEO-West) at Metropolitan Environmental Office East (MEO-East) sa paglilinis ng ErmitaƱo Creek noong Mierkules, ika-1 ng Marso, 2023.
Nakasama nila sa gawain ang mga tauhan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng San Juan City at Task Force on Solid Waste Management (TFSWM) ng Quezon City.
Ang ErmitaƱo Creek ay isang maliit na daluyan ng tubig na bumabagtas sa bahagi ng Barangay Pasadena ng San Juan City at Barangay Valencia ng Quezon City. Kung hindi maagapan, ang lahat ng basura at dumi na itinapon sa sapa ay maaring mapunta sa Manila Bay sa pamamagitan ng Pasig River, kung saan ito dumadaloy palabas.
Umabot sa dalawang daan at limamput tatlong (253) sako ng basura ang nakuha mula sa creek na daglian namang hinakot ng waste haulers papunta ng sanitary landfills.
Ang MEO-West ang nakakasakop sa lungsod ng San Juan habang ang MEO-East naman ang nakakasakop sa lungsod ng Quezon. Bahagi ng Manila Bay Rehabilitation Program ang ginawang paglilinis ng mga field offices ng DENR National Capital Region.