DENR NATIONAL CAPITAL REGION SALAMAT MABUHAY PROGRAM
 
Nagsagawa ng isang Salamat Mabuhay program ang DENR National Capital Region para sa kawani nito na si Renato Gervacio mula sa Enforcement Division noong ika-26 ng Enero sa DENR-NCR Conference Room sa National Ecology Center.
 
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Regional Executive Director Jacqueline A. Caancan, kasama ang kanyang mga Assistant Regional Directors na sina Erlinda O. Daquigan (Management Services) at Engr. Henry P. Pacis (Technical Services).
 
Sinimulan ni Gervacio ang kanyang karera noong 1977 bilang isang kaswal na Clerk I, at noong 1981 opisyal niyang sinimulan ang kanyang serbisyo publiko bilang Forest Guard sa Bureau of Forest Development – Region IV. Kalaunan noong 1988 ay inilipat siya sa DENR-NCR at na-promote bilang Scaler sa parehong taon. At noong 2015, siya ay na-promote bilang Forest Technician II sa ilalim ng Surveillance and Intelligence Section ng Enforcement Division.
Si Gervacio ay isang magaling na General Radio Communications Operator sa University of the East at nagtapos ng Bachelor of Science in Mechanical Engineering sa Technological Institute of the Philippines.
 
Sa kanyang 42 taon na paninilbihan sya ay binigyan ng Plaque of Recognition ng DENR-NCR bilang pasasalamat at pagkilala sa kanilang dedikado at di matatawarang paglilingkod sa gobyerno at sa mga mamamayang Pilipino.
Kasama rin sa seremonya sina ED Chief Maricar Puno-Sanchez, SIS OIC Noel Obra, Compliance Monitoring and Investigation Section OIC For. Misael Aquino, at Wildlife Traffic Monitoring Unit Head Allan Domingo. Ito ay inorganisa’t pinangasiwaan ng Human Resources Development Section sa pangunguna ni Heracleo D. Lagrada, Jr.