Nakiisa ang DENR National Capital Region sa paglulunsad ng kampanyang "Raising of One Million Fruit Bearing Trees" ng Philippine Army at Department of Agriculture (DA) na ginanap sa Security and Escort Battalion’s Kamayan Area, Installation Management Command ng Fort Bonifacio sa Taguig City noong ika-9 ng Marso, 2023.
Dumalo sa ceremonial tree planting si Assistant Regional Director for Technical Services, Engr. Ignacio R. Almira, Jr. bilang kinatawan ng tanggapan. Maliban sa DENR at iba pang mga sangay ng pamahalaan, dumalo rin pagtitipong ang ilang kinatawan ng pribadong sektor gaya ng Tarlac Heritage Foundation Inc., at Delbros Group of Companies.
- Details