
Bilang bahagi ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng Career Executive Service Board, nakiisa ang DENR National Capital Region sa pagsasagawa ng sabayang aktibidad kaugnay sa Community Passion (ComPassion) Project na ginanap noong ika-14 ng Nobyembre sa Pasong Putik Proper Barangay Hall. Ang aktibidad na tinawag na “Pagsinta’t Malasakit sa Kapwaligiran 2.0: Health and Wellness Education for Senior Citizens” ay inorganisa’t pinangasiwaan ng Seniors/PWD Desk Office at Regional Strategic Communication and Initiatives Group.
Nagbigay ng mga impormasyon si DENR-NCR resident physician, Dr. Irah Camellia Preclaro, tungkol sa mga karaniwang sakit na nakukuha ng mga lolo’t lola, mga pamamaraan para maiwasan ito, at maging ang mga lunas, solusyon para ito ay magamot.
Sa kabuuan, humigit isang daang (100) mga senior citizens ang dumalo’t aktibong nakilahok sa talakayan. Ito rin ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa nasabing barangay, na pinangunahan ni Punong Barangay Mike Jamin, na nagbigay rin nang maiksing mensahe para sa lahat.
Ang aktibidad na ito ay isa lamang sa mga gawain ng DENR-NCR pagdating sa ComPassion Project upang magbigay-serbisyo at malasakit sa mga senior citizens (publiko, sa kabuuan) dahil na rin sa kanilang mga pagsusumikap na mapanatiling malinis at may kaayusan ang kanilang kapaligiran sa loob ng komunidad.
- Details