DENR NATIONAL CAPITAL REGION NAKIISA SA BAGONG PILIPINAS KICK OFF RALLY
 
Nakiisa ang pitong-daang (700) empleyado mula sa DENR National Capital Region, na pinangunahan ni Regional Executive Director Jacqueline A. Caancan, sa isinagawang “Bagong Pilipinas Kick-Off Rally” noong ika-28 ng Enero sa Quirino Grandstand.
 
Ang mga kawani, Estero Rangers, at River Warriors mula apat (4) na Metropolitan Environmental Office – North, West, South, at East; Pasig River Coordinating and Management Office, Administrative Division, at Regional Strategic Communication and Initiative Group ang mga lumahok dito.
 
Sa mensaheng ibinigay ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga binigyang-diin niya na ang Bagong Pilipinas para sa Kagawaran ay isang science-driven, bigyang halaga ang kapaligiran at likas yaman tulad ng lupa, dagat, hangin, lalo na ang pagiging responsable sa tamang pagtatapon ng basura, bukod sa iba pa.
 
Kasama rin sa rally ang iba pang mga key official ng DENR at mga kawani mula sa iba’t ibang opisina sa iba’t ibang panig ng bansa.
 
Ang Bagong Pilipinas ay isang programa na sumusuporta sa isang matibay na testamento sa pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na simulan ang isang pagbabagong paglalakbay tungo sa isang mas mabuting Pilipinas kung saan ang mga programa ng pamahalaan ay abot kamay ng bawat Pilipino.