DENR NATIONAL CAPITAL REGION NAKIBAHAGI SA PETCON 2024
 
Nakibahagi ang mga kawani mula sa Enforcement Division ng DENR National Capital Region sa isinagawang wildlife exhibition na pinamagatang “PetCon 2024” noong ika-19 hanggang ika-21 ng Enero sa World Trade Center.
 
Ang pakikipabahagi rito ng tanggapan ay upang magsagawa ng inspeksyon sa labing-limang (15) kalahok na may Wildlife Special Use Permit (WSUP) — isang uri ng permit na iginagawad sa mga Certificate of Wildlife Registration (CWR) o Wildlife Farm Permit (WFP) holder na nais maipasama o maipakita ang kanilang mga alagang hayop sa mga event o exhibit — upang masigurado na ang mga naka-display na alagang hayop at ibang gawain sa nasabing aktibidad ay nakaayon sa nakasaad na mga kondisyon o probisyon ng mga nasabing permit.
 
Ilan sa mga hayop na naobserbahan dito ay ang Ball Python, Burmese Python, Corn Snake, Argentine Clack and White Tegu, African Spurred Tortoise, Alligator Snapping Turtle, Leopard Gecko, Bearded Dragon, Sulphur-crested Cockatoo, Asian Palm Civet, Sugar Glider at iba pa.
 
Ang “PetCon 2024” ay alinsunod sa Biodiversity Conservation Program ng ahensya upang mapagtibay ang pangangalaga at proteksyon ng mga wildlife species sa Metro Manila, lalo na ang mga nanganganib at endemic na lahi batay sa Republic Act 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001.