
Matagumpay na naisagawa ang graduation ceremony ng DENR National Capital Region para sa mga empleyadong nakatapos ng Environment and Natural Resources (ENR) Frontline Service at ENR Basic Course noong ika-13 ng Nobyembre.
Ito ay pinangunahan ni DENR-NCR Regional Executive Director Jacqueline A. Caancan na pinuri at binati ang mga nagsipagtapos sa pagkumpleto ng pagsasanay sa loob ng ENR Academy. Sinabi niya na ang ENRA Course ay tiyak na idinisenyo upang palakasin ang kaalaman at pagpapahalaga ng mga kalahok sa Mandate, Vision, Mission, Goals at Core Values ng DENR bilang isang organisasyon at ang kanilang mahalagang papel sa pagsasakatuparan ng mga ito.
Binigyang-diin din ni Caancan sa kanyang mensahe ang malaking tulong ng ENRA sa kahalagahan ng pagbuo ng koneksyon ng mga nagsipagtapos mula sa loob papunta sa labas ng organisasyon. “Through the ENRA, aside from the learnings that you have learned from one course to another, it is also an avenue for you to start your network within the organization. The network that will help you as public servants to perform your deliverables more effective and efficient. Build from within and it will help you to start networking outside the organization, and that is more important,” ani niya.
“That is why we must constantly train our people, from learning to networking. The ENRA course is but one of the many pieces of training we regularly conduct to help our personnel achieve excellence and ensure the success of our organization”, dagdag pa niya.
May kabuuang limampung (50) kawani ang nakatapos ng pagsasanay: 26 para sa ENR Frontline Service Course (Batch NCR-1-04-Magiting) at 24 para sa ENR Basic Course (Batch NCR-2-04-Nobility).
Si DENR-NCR OIC Assistant Regional Director for Management Services, Erlinda O. Daquigan, na nagbigay rin ng paunang menshae, kasama ang iba pang mga miyembre ng Executive Committee ng tanggapan ay dumalo rin sa seremonya.
Ang ENR Academy ay isang competency program na nagbibigay nang mahusay na mga pagkakataon sa pag-aaral sa kapaligiran at likas yaman, sa kabuuan, para sa mga empleyado ng DENR.
- Details