DENR NATIONAL CAPITAL REGION DUMALO SA PAGBUBUKAS NG LIBERTAD SEWAGE TREATMENT PLANT
 
Dumalo si Regional Executive Director Jacqueline A. Caancan sa pagbubukas ng Libertad Sewage Treatment Plant (STP) ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) noong Martes, ika-28 ng Pebrero, 2023 sa Pasay City.
Dumalo rin sa seremonya ang ilan pang matataas na opisyal ng DENR sa pangunguna ni Undersecretary for Policy, Planning and International Affairs, Atty. Jonas R. Leones at Manila Bay Coordinating Office Jacob F. Meimban. Kasama rin sa mga dumalo sina DENR Metropolitan Environmental Office-West OIC Director Rodelina M. de Villa at EMB-NCR Environmental Monitoring and Enforcement Division chief, Engr. Jean C. Borromeo.
Ayon sa MMDA, may kakayanan umanong maglinis ng 10 milyong litro ng wastewater kada araw ang Libertad STP at nasa 779 ektarya ang catchment area nito. Ligtas din umanong gamitin ang treated wastewater sa pagdidilig ng halaman at suplay ng tubig para sa trak ng bumbero ng Pasay City.
Itinayo ang STP upang makatulong sa ginagawang paglilinis at rehabilitasyon ng Manila Bay pati na ang mga ilog at estero na dumadaloy palabas dito.