Pinangunahan ng DENR Metropolitan Environmental Office-West (MEO-West) ang pag-aalis ng mga kulungan ng hayop sa kahabaan ng Maricaban Creek noong Biyernes, ika-3 ng Pebrero, 2023, sa Lungsod ng Pasay. Kasama ang mga kinatawan ng Pasay City Environmental and Natural Resources Office (PCENRO) at Barangay 168, 179, 178 at 186, matagumpay na naalis ng MEO-West ang apatnaput apat (44) na kulungan ng manok at iba pang alagang hayop na itinayo ng ilang residente sa loob ng 3-meter easement ng Maricaban Creek.
Isinagawa ang pagtatanggal ng mga iligal na istruktura upang mabawasan ang kalat at dumi na napupunta sa creek. Sa ilalim ng Republic Act No. 9275 o “Philippine Clean Water Act of 2004” at Republic Act No. 386 o “Civil Code of the Philippines”, ipinagbabawal ang pagtatayo ng anumang istruktura sa loob ng 3-meter buffer zone sa magkabilang gilid ng ilog at estero. Bahagi rin ng isinasagawang Manila Bay Rehabilitation Program ng DENR ang ginawang paglilinis.
- Details