DENR Metropolitan Environmental Office-West (MEO-West), nakipagtulungan sa Philippine Mountain Rangers and Wildlife Enforcers (PMRWE) para sa pagtatayo ng “First Aid Tents” sa Manila Bay Dolomite Beach sa Ermita, Manila. Ang naturang tents ay magbibigay ng libreng serbisyo para sa mga bibisita ng Dolomite Beach tuwing araw ng Biyernes, Sabado at Linggo. Kaugnay nito, nakipagpulong din si MEO-West OIC Director Rodelina M. De Villa sa PMRWE hinggil sa panukala nitong pagbubuo ng "Environmental Soldiers" na makakatuwang ng DENR sa pangangalaga ng kahabaan ng Baywalk area. Kasamang dumalo sa pagpupulong ang mga kinatawan ng Manila Bay Coordinating Office (MBCO), Environmental Law Enforcement and Protection Service (ELEPS), Philippine National Police-Maritime Group (PNP-MG), at Philippine Coast Guard (PCG).
- Details