DENR MEO SOUTH NAKILAHOK SA PAGLILINIS NG PATEROS RIVER

Nakilahok ang mga kawani ng DENR Metropolitan Environmental Office–South (MEO-South) at Estero Rangers sa ginawang paglilinis ng Philippine National Police (PNP) at Civilian Volunteer Officers (CVO) sa Pateros River noong Huwebes, ika-2 ng Pebrero, 2023. Sumama rin sa paglilinis ang ilang residente ng Barangay Aguho. Umabot sa apatnapung (40) sako ng basura ang nakuha mula sa ilog. Nangako naman ang PNP Pateros at CVO na ipagpapatuloy nila ang paglilinis ng Pateros River bilang ambag sa ginagawang rehabilitasyon ng Manila Bay na pinangungunahan ng DENR.