
Nagsagawa ang DENR Metropolitan Environmental Office (MEO) – South ng Dalaw Turo para sa mga estudyante ng Muntinlupa Business Highschool at Las Piñas National Highschool noong ika-26 at ika-28 ng Abril, 2023.
Dinaluhan ito ng halos 150 na mga mag-aaral at mga guro mula sa ika-pitong baitang at mga piling miyembro ng mga organisasyon ng paaralan. Tinalakay rito ang mga tungkulin at responsibilidad ng MEO-South hinggil sa Manila Bay Rehabilitation Program at iba pang mga programa at mga aktibidad ng DENR-NCR, sa kabuuan. Naibahagi rin ng mga lumahok, sa pamamagitan ng maikling “role playing”, ang kanilang mga natutunan sa pagtitipon.
Ang mga Information, Education, and Communication (IEC) campaign, kagaya ng Dalaw Turo, ay isa sa mga aktibidad ng tanggapan upang mapalawak ang kaalaman ng publiko hinggil sa mga gawain ng Departamento pati na rin sa mga napapanahong mga environmental event (gaya ng Earth Day) sa ating bansa. Kasama rin dito ang patuloy na pagpapaalala ukol sa mga batas pangkapaligiran ng bansa tulad ng Republic Act No. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000, Republic Act No. 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act, at marami pang iba.
- Details