
Ang DENR Metropolitan Environmental Office (MEO) – South, katuwang ang City Environment and Natural Resources office (Cenro Taguig) , ay nagsagawa ng Dalaw Turo para sa mga miyembro ng Homeowners Association (HOA) ng Barangay Western Bicutan noong ika-7 ng Nobyembre.
Sa kabuuan, limampu (50) ang nakilahok dito na kinabibilangan din ng mga kinatwaan mula sa Samahan ng mga Kababaihan ng Brgy. Western Bicutan. Tinalakay rito ni Joann Estabaya, River Protection Office II ang mga programa, aktibidad, at proyekto na ipinapatupad at isinsagawa ng MEO – South para sa mga siyudad at munisipalidad na nasasakupan nito.
Bahagi rin nang talakayan ang ilan sa mga Philippine environmental law gaya ng Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000, RA 9275 o ang Philippine Clean Water Act of 2004, RA 6969 o ang Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Waste Control Act of 1990, at ang RA 9512 o ang National Environmental Awareness and Education Act of 2008. Ang mga batas na nabanggit ay tinalakay ni Rodley Jose Estepa, Head ng Information, Education, and Communication Section ng CENRO Taguig.
Ang isinagawang Dalaw Turo ay bahagi ng selebrasyon ng National Environmental Awareness Month ngayong nobyembre na ang pangunahing layunin ay ang maitaas ang kamalayan, makapamahagi ng impormasyon, at magbigay ng kasanayan para sa patuloy na pagprotekta at pangagalaga ng kapiligiran at likas na yaman.
- Details