DENR MEO SOUTH ESTERO RANGERS NAKATANGGAP NG MGA KAGAMITAN SA PAGLILINIS

Tumanggap ng mga kagamitan ang Estero Rangers ng DENR Metropolitan Environmental Office-South (MEO-South) na magagamit nila sa kanilang paglilinis ng ilog at estero sa katimugang bahagi ng Metro Manila. Maliban sa uniporme, tumanggap din ang mga Estero Rangers ng wader suits, bucket hats, goggles, gloves, face masks, at boots. Kasama rin sa ipinamahagi ng MEO-South ang pruning shears, combination hoes, rubbish tongs, at mga sako. Binigyan din ng vitamins ang mga Estero Rangers bilang karagdagang proteksyon sa kanilang kalusugan. Karaniwan kasi ay lumulusong sila sa mga estero at ilog upang makuha ang mga basurang itinapon dito. Ang Estero Rangers program ay bahagi ng ginagawang paglilinis at rehabilitasyon ng Manila Bay.