DENR MEO SOUTH AT IBA PANG SANGAY NG GOBYERNO NAGTULONG TULONG PARA SA PAGLILINIS NG BALIWAG CREEK
 
Nagtulong-tulong ang mga kawani ng DENR Metropolitan Environmental Office–South (MEO–South), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Public Works and Highways (DPWH) Metro Manila II District Engineering Office, City Environment and Natural Resources Offices (CENRO) ng Parañaque City, Barangay Merville Cleanliness, Beautification and Sanitation (CBS) team, at mga Estero Rangers (ERs) na nakatalaga sa nasabing barangay na linisin ang Baliwag Creek noong ika-2 ng Marso, 2023.
Umabot ng dalawang daan at limamput anim (256) na sako ng mga halo-halong basura ang nakuha ng mga lumahok mula sa sapa na karugtong ng Don Galo Creek at Parañaque River. Agad namang hinakot ng CENRO Parañaque ang mga basura papunta ng sanitary landfill.
Ang mga paglilinis ay bahagi ng Manila Bay Rehabilitation Program ng DENR na layong maitaas ang kalidad ng tubig sa Manila Bay alinsunod sa Writ of Continuing Mandamus ng Korte Suprema noong 2008.