DENR MEO NORTH RIVER PROTECTION OFFICERS REGULAR NA NAGLILIBOT SA LAPU LAPU CREEK AT BANGKULASI RIVER
 
Araw-araw na naglilibot ang mga River Protection Officers ng DENR Metropolitan Environmental Office-North (MEO-North) sa kahabaan ng Lapu-Lapu Creek at Bangkulasi River sa Caloocan City upang tignan ang kundisyon nito at agad na maka-ugnayan ang lokal na pamahalaan, Estero Rangers, at iba pang sangkot para sa paglilinis nito kung kinakailangan.
Dagdag dito, nagsasagawa rin ng imbestigasyon ang mga RPOs sa mga ulat o reklamo na natatanggap ng tanggapan hinggil sa paglabag sa Republic Act No. 9275 (Clean Water Act 2004) at Republic Act No. 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2001) sa buong Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA). Gumagamit ang mga RPOs ng bisikleta alinsunod sa adbokasiya ng DENR National Capital Region para sa malinis na transportasyon at malusog na pamumuhay.
Ang pagkakatatag ng MEOs ng Metro Manila ay bahagi ng Manila Bay Rehabilitation Program.