DENR MEO NORTH PINANGUNAHAN ANG PAGLILINIS NG MEYCAUAYAN RIVER

Pinangunahan ng DENR Metropolitan Environmental Office-North (MEO North) ang paglilinis ng Meycauayan River sa bahagi ng Barangay Wawang Pulo, Valenzuela City noong nakaraang buwan. Umabot sa animnapu’t dalawang (62) sako ng basura ang nakuha mula sa Meycauayan River. Ang nasabing ilog ang nagsisilbing natural boundary sa pagitan ng Metro Manila at Central Luzon sa hilaga. Ang mga basurang nakuha mula dito ay naanod sana palabas ng Manila Bay kung hindi dahil sa pagsusumikap ng MEO North at mga partner organizations ng tanggapan.