DENR MEO NORTH NAGSAGAWA NG WILDLIFE RETRIEVAL NG ISANG CRESTED MYNA

Isinuko sa DENR Metropolitan Environmental Office (MEO) – North ang isang Crested Myna o Acridotheres cristatellus mula sa Barangay Sipac Almacen noong ika-13 ng Nobyembre. Isang residente ang nagkusang loob na isuko ang alagang ibon sa tanggapan, matapos niyang mapag-alaman na labag ito sa Republic Act No. 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act kung walang sapat na permit at mga dokumento. Ang ibon ay dinala sa Ninoy Aquino Wildlife Rescue Center, Biodiversity Management Bureau sa Quezon City upang masuri ang kalagayan at mapangalagaan ng tama para sa muling pagpapakawala nito sa kanyang natural na tahanan.