DENR MEO NORTH NAGSAGAWA NG PAGLILINIS SA UNIVERSITY CREEK

Sa inisyatibo ng DENR Metropolitan Environmental Office (MEO) – North, matagumpay na naisagawa ang paglilinis sa kahabaan ng University Creek sa Barangay Potrero, Malabon City noong ika-4 ng Mayo, 2023. Katuwang ang mga Estero Rangers at mga volunteers, ang naisagawang paglilinis ay nakalikom ng higit 150 na sako ng halu-halong mga basura. Ang DENR National Capital Region ay patuloy na ipinapabatid sa publiko ang wastong pagtatapon ng mga basura ayon sa uri nito. Ang mahigpit na pagpapatupad at pagsunod sa Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ay ang mabisang solusyon upang matugunan ang problema ng basura, na malaking bahagi rin sa mga isyu na tinutugunan para sa restorasyon at rehabilitasyon ng Manila Bay.