DENR MEO NORTH NAGSAGAWA NG DALAW TURO SA MGA PAARALAN SA CALOOCAN CITY
 
Para sa pagdiriwang ng National Environmental Awareness Month, ang DENR Metropolitan Environmental Office (MEO) – North ng magkahiwalay na Dalaw Turo sa Sta. Quiteria Elementary School at Baesa Adventist Academy noong ika-8 at ika-9 ng Nobyembre.
 
Humigi’t kumulang isang daan at limampung (150) mga estudyante at mga guro ang aktibong dumalo sa aktibidad. Nakiisa rin dito ang mga punong-guro ng mga paaralan na sina Jocelyn Navarro mula sa SQES at Margielene Judan ng BAA. Bahagi nang talakayan ang usapin pagdating sa Climate Change at ang Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
 
Ang aktibidad ay bahagi ng pagpapalakas at pagpapalawig ng information, education, and communication campaign ng DERN-NCR, sa kabuuan, pagdating sa mga usapin at talakayan na may kinalaman sa kapaligiran at likas yaman.
 
Mas pinaigting pa ito, lalo’t higit sa selebrasyon ng National Environmental Awareness Month ngayong buwan, na isa sa mga malawakang selebrasyong pangkapaligiran taun-taon upang isulong ang pagtaas ng kamalayan ng publiko pagdating sa mga isyu at mga gawain na may kinalaman sa pangangalaga, pagprotekta, pamamahala, at pagpapa-unlad ng kalikasan sa rehiyon at sa bansa, sa kabuuan.