
Pinangunahan ng DENR Metropolitan Environmental Office-East (MEO-East) ang paglilinis ng Parian Creek sa may hangganan ng Villa Guapo na nasasakupan ng Barangay Palatiw at Barangay San Miguel sa Pasig City noong ika-9 ng Marso, 2023. Nilahukan ito ng mga tauhan ng MEO-East, Estero Rangers at kinatawan ng dalawang barangay na nabanggit.
Nakuha mula sa sapa ang tatlong daan at limampung (350) sako ng halo-halong basura na tumitimbang ng sampung libo’t limandaang (10,500) kilo na agad namang hinakot ng Solid Waste Management Office ng Barangay Palatiw at San Miguel.
Ang Parian Creek ay isang open drainage canal na bumabagtas sa ilang barangay ng Pasig City. Ang mga basurang itinapon dito ay maaring mapunta sa Manila Bay kung hindi maaagapan dahil dumadaloy palabas ng Pasig River ang Parian Creek.
Ang paglilinis na ginawa ng MEO East sa mga ilog at estero na matatagpuan sa silangang bahagi ng Metro Manila ay bahagi ng Manila Bay Rehabilitation Program na naglalayong mapabuti ang kalidad ng tubig sa Manila Bay at maibalik sa dati nitong ganda.
- Details