DENR MEO EAST NAKAKUHA NG RETICULATED PYTHON SA QUEZON CITY

Isang sawa o Reticulated python (Malayophyton Reticulatus) ang matagumpay na nakuha ng mga kinatawan ng DENR Metropolitan Environmental Office–East (MEO-East) sa Just Textile Interior 54, Magsalin Compound, Balintawak Quezon City.

Ang request para sa wildlife retrieval ay nagmula sa isang residente ng nasabing lugar na nakakita sa ahas sa isang drainage canal. Agad namang rumesponde ang MEO-East sa request at pinuntahan ang lugar. Matapos na mahuli, agad na dinala ng MEO-East ang ahas sa Wildlife Rescue Center sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center, Quezon City para sa pansamantalang pangangalaga at kustodiya.

Sa kasalukuyan, itinuturing na “species of least concern” ang sawa dahil marami pa ito sa ilang. Gayunpaman, pinaalalahanan pa rin ni DENR National Capital Region Regional Executive Director Jacqueline A. Caancan ang publiko na bawal ang manghuli, manakit, pumatay, mag-alaga at magbenta ng mga buhay-ilang ng walang pahintulot mula sa DENR. “Ang mga gawaing ito ay ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act No. 9147 at maaring mapatawan ng parusa ang sinumang mapapatunayan na lumabag sa batas”, paliwanag ni Director Caancan.