
Magkasamang nilinis ng DENR Metropolitan Environmental Office-East (MEO-East), Estero Rangers, Riverways Cleaning Operations Group (RCOG) ng Department of Sanitation and Cleanup Works ng Quezon City (DSQC), at street sweepers ng Barangay Culiat at Pasong Tamo ang isang bahagi ng Pasong Tamo River sa Quezon City noong Pebrero 23, 2023. Nakuha mula sa creek ang isang libo’t apat na raang (1,400) sako ng basura na may tinatayang timbang na apatnapu’t dalawang libong (42,000) kilo.
Ang Pasong Tamo Creek ay bahagi ng Pasig-Marikina-San Juan (PAMARISAN) River System at binabagtas nito ang north-east sector ng Quezon City bago lumabas ng San Francisco River sa Barangay Bahay-Toro sa nasabi ding lungsod.
Malaki naman ang naging tulong ng trash boom na nilagay ng DENR-EMB sa pagharang ng mga basurang itinapon sa ilog at maiwasang anurin pa ang mga ito palabas ng Manila Bay.
Ang paglilinis na ginagawa ng MEO-East at mga partner organizations nito sa mga ilog at estero ng silangang bahagi ng Metro Manila ay bahagi ng Manila Bay Rehabilitation Program. Layon ng gawain na mapabuti ang kalidad ng tubig sa Manila Bay at ibalik ang dating ganda at linis nito.
- Details