Malugod na tinangkilik ng mga taga-Marikina ang libreng seedlings ng gulay at fruit-bearing trees na ipinamigay ng tanggapan sa ilalim ng Community PanTREE program nito. Nagtayo ng Community PanTREE booth ang DENR National Capital Region kasabay ng pagdaraos ng Turn Over Ceremony para sa ginagawang pagpapalalim at pagpapalawak ng Marikina River sa ilalim ng Marikina River Restoration Project ng Task Force Build Back Better (TF-BBB) noong Mierkules, ika-9 ng Marso, 2022. Namahagi ang tanggapan ng seedlings ng sili, litsugas, mangga, avocado at iba pa sa mga residente ng barangay.
- Details